Posts

Day 3, Sa Wakas May Internet na

Day 1 ng pagttrabaho ko dito sa bagong unit. Medyo masama parin ang pakiramdam ko. Kagabe trinangkaso ako. Siguro narinig ni universe yung sentiments ko kasi inalagaan ako ni Ranzell. Di sya natulog hanggat di ako natutulog.  Nakabit na din yung converge dito sa unit sa wakas. Parang wala pa akong nahuhugot na sipag, siguro dahil si hindi pa ako mag isa? I mean may kasama pa ako e. So ayun lang naman. Werk werk para may pang sustento dito.

Day 2 of my not so solo independent living

Ok naman. Mas lalo kong narerealise na gusto ko na lang maging single. I know nahihiya din si Ranzell na parang binubuhay ko sya pero wala akong nararamdaman na sense of urgency. Konting discomfort naiinis na sya e hindi naman sya ang gumagastos. Ewan ko. Sana umalis na muna sya. I just want to be alone. Nadedefeat yung purpose ko kung bakit ako nagsolo. Gusto ko na ako ang masusunod eh. Gusto ko ng pang diet na food, iisipin ko pa sya kasi hindi sya kumakain ng gulay at isda. Gusto ko ng one meal a day, di naman pwede dahil gutumin sya. Ayoko na muna kasama sya rito. Feeling ko sugarmommy ako ng wala sa oras. I know bad pero ewan ko. 

Finally, Day 1

Oct 12, 2023 nakamove in na ako dito sa Solano Hills. Technically first day namin. Dapat kaninang tanghali ikakabit yung Converge namin kaso epal 'tong si kuya installer tinamad yata. So hinayaan ko na lang. Ginamit ko na lang 'tong araw na 'to para maglinis at mamili ng mga tingin ko ay kulang. Akala din namin di kami matutuloy sa move in eh. Hinahanapan kasi kami ng move in form. Buti magait yung sa admin and security, pinabayaran lang muna samin yung 3k na tenant bond then to follow na lang daw sa Monday yung mga documents. Ang hirap kumilos sa first day kasi mahina ang mobile data signal. Ganto ata ang dilemma din nung unit ni Carly at Dette eh. Almost dead spot pero paglabas ok naman na. Grabe pala ang gastusin kapag gusto mo magsolo. Naka almost 20k din ako eh. Need ko sya mabawe. Mas maigi nga kung mahihigitan. Namili kami ni Ranzell ng mga groceries, maliit na rice cooker na bigay nya tapos electric kettle. Bumili din kami ng mga sandok, kawali, chopping board, stra...

Mga kapitbahay, iPhone user na din ako!

 Sunod sunod ang dating ng mga bagay na matagal kong inasam para sa sarili ko. Ngayong araw, October 13, 2023 dumating na yung iPhone na kinuha ko sa Globe postpaid plan. Nahirapan ako magdecide kasi di naman biro yung halaga ng iPhone pero it's now it's never (char, it's now or never talaga yun) sabi nga nila.  Mas natuwa pa yung mga pamangkin ko sa phone. Unang iPhone ko to at ako ang unang nagkaroon ng iPhone sa pamilya namin. Picture dun, tiktok doon ang ginawa ng mga bagets. Hindi ko pa sya masyado naeexplore kasi nag eenjoy pa ako panuorin sila. Bukas dun sa condo (nuks, nakakaiyak nasasabi ko na yung "condo" huhu lakas makasosyal).  Iphone 13 pro max 24mos to pay. hahaha. mahaba haba pa ang pagsasamahan natin.

Push na ba? Push na yarn!

 Oct 12, 2023 - The date I said to myself "fuck it, I think I deserve this kind of freedom and peace of mind". I viewed the condo for rent that I've been eyeing for couple of weeks now. I liked the place. It's a mid-rise condominium with Tagaytay vibe. After inspecting the unit, I signed the contract and made the downpayment. OMG I can't describe what I am feeling during that moment. At the age of 33, finally I can live on my own.