Finally, Day 1
Oct 12, 2023 nakamove in na ako dito sa Solano Hills. Technically first day namin. Dapat kaninang tanghali ikakabit yung Converge namin kaso epal 'tong si kuya installer tinamad yata. So hinayaan ko na lang. Ginamit ko na lang 'tong araw na 'to para maglinis at mamili ng mga tingin ko ay kulang.
Akala din namin di kami matutuloy sa move in eh. Hinahanapan kasi kami ng move in form. Buti magait yung sa admin and security, pinabayaran lang muna samin yung 3k na tenant bond then to follow na lang daw sa Monday yung mga documents. Ang hirap kumilos sa first day kasi mahina ang mobile data signal. Ganto ata ang dilemma din nung unit ni Carly at Dette eh. Almost dead spot pero paglabas ok naman na.
Grabe pala ang gastusin kapag gusto mo magsolo. Naka almost 20k din ako eh. Need ko sya mabawe. Mas maigi nga kung mahihigitan. Namili kami ni Ranzell ng mga groceries, maliit na rice cooker na bigay nya tapos electric kettle. Bumili din kami ng mga sandok, kawali, chopping board, strainer tsaka car opener.
I like the place. Mahangin, masarap maglakad lakad. Feeling ko ito na ang simula ng pagpayat ko ulit. hahahahha. Restriction sa food and all. Need ko magpagaling di lang naman para sa akin kundi para na din sa pamilya ko. I want to be more productive.
Ayun lang naman ang mga ganap sa Day 1 ko bilang solo living adult.
Comments
Post a Comment