Mga kapitbahay, iPhone user na din ako!

 Sunod sunod ang dating ng mga bagay na matagal kong inasam para sa sarili ko. Ngayong araw, October 13, 2023 dumating na yung iPhone na kinuha ko sa Globe postpaid plan. Nahirapan ako magdecide kasi di naman biro yung halaga ng iPhone pero it's now it's never (char, it's now or never talaga yun) sabi nga nila. 

Mas natuwa pa yung mga pamangkin ko sa phone. Unang iPhone ko to at ako ang unang nagkaroon ng iPhone sa pamilya namin. Picture dun, tiktok doon ang ginawa ng mga bagets. Hindi ko pa sya masyado naeexplore kasi nag eenjoy pa ako panuorin sila. Bukas dun sa condo (nuks, nakakaiyak nasasabi ko na yung "condo" huhu lakas makasosyal). 

Iphone 13 pro max 24mos to pay. hahaha. mahaba haba pa ang pagsasamahan natin.

Comments

Popular posts from this blog

Day 3, Sa Wakas May Internet na